Sarajevo
Sarajevo Sarajevo Sarajevo Сарајево | |||
|---|---|---|---|
| |||
![]() | |||
| Mga koordinado: 43°51′23″N 18°24′47″E / 43.8564°N 18.4131°E | |||
| Bansa | |||
| Lokasyon | Sarajevo Canton, Federation of Bosnia and Herzegovina, Bosnia at Herzegovina | ||
| Itinatag | 1462 (Huliyano) | ||
| Pamahalaan | |||
| • Pinuno ng pamahalaan | Predrag Puharić | ||
| Lawak | |||
| • Kabuuan | 141.5 km2 (54.6 milya kuwadrado) | ||
| Populasyon (2013, Senso) | |||
| • Kabuuan | 275,524 | ||
| • Kapal | 1,900/km2 (5,000/milya kuwadrado) | ||
| Sona ng oras | Oras ng Gitnang Europa | ||
| Wika | Wikang Bosniyo, Wikang Kroato, Wikang Serbiyo | ||
| Websayt | https://www.sarajevo.ba/ | ||
Ang Sarajevo ( /ˌsærəˈjeɪvoʊ/ SARR-ə-YAY-voh)[a] ay ang kabisera[1] at pinakamalaking lungsod ng Bosnia at Herzegovina, na may populasyong 275,524 sa loob ng mga hangganang administratibo nito.[2][3] Ang Sarajevo Canton, na kinabibilangan ng lungsod ng Sarajevo at mga kalapit na munisipalidad, ay may kabuuang populasyong 413,593.[3] Matatagpuan ito sa mas malawak na lambak ng Sarajevo sa Bosnia, napaliligiran ng kabundukang Alpes Dinariko, at nakahimlay sa kahabaan ng Ilog Miljacka sa puso ng mga Balkan, isang rehiyon sa Timog-silangang Europa.
Ang Sarajevo ang sentrong pampolitika, pampinansyal, panlipunan, at pangkultura ng Bosnia at Herzegovina, at isa ring kilalang sentro ng kultura sa mga Balkan. Malaki ang impluwensiya nito sa larangan ng aliwan, midya, moda, at sining sa rehiyon.[4][5] Dahil sa mahabang kasaysayan nito ng relihiyoso at kultural na pagkakaiba-iba, tinatawag minsan ang Sarajevo na "Jerusalem ng Europa"[6] o "Jerusalem ng mga Balkan".[7] Isa ito sa iilang pangunahing lungsod sa Europa na may moske, simbahan ng Katoliko, simbahan ng Silangang Ortodokso, at sinagoga sa iisang kalapit na pook.[8] Dito rin matatagpuan ang unang institusyong tersiyarya ng dating Yugoslavia, isang Islamikong politekniko na ngayon ay bahagi ng Unibersidad ng Sarajevo.[9][10]
Bagaman may ebidensiya ng paninirahan ng tao sa lugar mula pa noong panahong prehistoriko, ang makabagong lungsod ay umusbong noong ika-15 dantaon bilang isang muog ng mga Otomano nang palawakin ng Imperyong Otomano ang kanilang sakop sa Europa.[11] Nakilala ang Sarajevo sa buong daigdig nang ilang ulit sa kasaysayan. Noong 1914, dito naganap ang pagpaslang kay Arkiduke Franz Ferdinand ng isang lokal na kasapi ng Young Bosnia (o Batang Bosnia) na si Gavrilo Princip, isang pangyayaring nagpasiklab sa Unang Digmaang Pandaigdig. Dahil dito, nagtapos ang pamumuno ng Austro-Unggriya sa Bosnia at nabuo ang multikultural na Kaharian ng Yugoslavia sa rehiyon ng mga Balkan. Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging kabisera ito ng Komunistang Sosyalistang Republika ng Bosnia at Herzegovina sa loob ng Sosyalistang Pederatibong Republika ng Yugoslavia, na nagbunga ng mabilis na paglago ng populasyon at negosyo, at ng mga pamumuhunan sa imprastruktura at kaunlarang pang-ekonomiya.
Noong 1984, idinaos sa Sarajevo ang Palarong Olimpiko sa Taglamig ng 1984, na nagmarka ng panahon ng kasaganaan para sa lungsod. Subalit, pagsiklab ng mga Digmaang Yugoslav, dumanas ito ng pinakamahabang paglusob sa isang kabisera sa makabagong kasaysayanna tumagal ng 1,425 araw mula Abril 1992 hanggang Pebrero 1996 sa panahon ng Digmaang Bosniyano. Sa kabila ng pinsala, patuloy ang muling pagtatayo matapos ang digmaan, at ngayon ay ang Sarajevo ang pinakamabilis lumago sa Bosnia at Herzegovina.[12] Ayon sa Lonely Planet, itinanghal ang Sarajevo bilang ika-43 pinakamahusay na lungsod sa mundo,[13] at noong Disyembre 2009, inirekomenda itong isa sa sampung pinakamahusay na lungsod na bisitahin sa 2010.[14]
Noong 2011, nominado ang Sarajevo bilang European Capital of Culture (Kabisera ng Kalinangan sa Europa) para sa 2014. Napili rin ito, kasama ang Istočno Sarajevo, upang magdaos ng 2019 European Youth Olympic Winter Festival (Pistang Kabataang Olimpiko sa Taglamig ng Europa).[15][16] Dagdag pa rito, noong Oktubre 2019, itinalaga ng UNESCO ang Sarajevo bilang isang Creative City (Lungsod na Malikhain dahil sa pagtatampok nito sa kultura bilang sentro ng mga estratehiya sa pag-unlad.[17][18] Kabilang din ito sa labingwalong Cities of Film (Mga Lungsod ng pelikula sa buong mundo.[19]
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Siriliko: Сарајево, binibigkas [sǎrajeʋo] ⓘ;
Mga sangguian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The World Factbook" (sa wikang Ingles). 2015-09-06. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Pebrero 2022. Nakuha noong 2022-04-29.
- ↑ Toe, Rodolfo (1 Hulyo 2016). "Census Results Highlight Impact of Bosnian War". Balkan Transitional Justice (sa wikang Ingles). Balkan Investigative Reporting Network. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Oktubre 2017. Nakuha noong 14 Oktubre 2017.
- ↑ 3.0 3.1 "Census of Population, Households and Dwellings in Bosnia and Herzegovina: Final Results" (PDF) (sa wikang Ingles). Agencija za statistiku Bosne i Hercegovine. 2013. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2017. Nakuha noong 28 Hulyo 2021.
- ↑ "Sarajevo: The economic, administrative, cultural and educational center of Bosnia and Herzegovina" (sa wikang Ingles). Mediterranea News. 12 Mayo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Abril 2012. Nakuha noong 5 Abril 2012.
- ↑ daenet d.o.o. "Sarajevo Official Web Site : Economy" (sa wikang Ingles). Sarajevo.ba. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Abril 2012. Nakuha noong 5 Abril 2012.
- ↑ Stilinovic, Josip (3 Enero 2002). "In Europe's Jerusalem" Naka-arkibo 2017-06-29 sa Wayback Machine., Catholic World News. The city's principal mosques are the Gazi Husrev-Bey's Mosque, or Begova Džamija (1530), and the Mosque of Ali Pasha (1560–61). Nakuha noong 5 Agosto 2006. (sa Ingles)
- ↑ Benbassa, Esther; Attias, Jean-Christophe (2004). The Jews and their Future: A Conversation on Judaism and Jewish Identities (sa wikang Ingles). London: Zed Books. p. 27. ISBN 978-1-84277-391-8.
Sarajevo.
- ↑ Malcolm, Noel (1996). Bosnia: A Short History (sa wikang Ingles) (ika-Paperback (na) labas). London: NYU Press. pp. 107, 364. ISBN 978-0-8147-5561-7.
- ↑ Agency, Anadolu. "Saraybosna'da 476 yıldır yaşayan medrese! (Sarajevo Celebrates 476 Years of its Medresa!)" (sa wikang Ingles). Haber7. Nakuha noong 11 Nobyembre 2013.
- ↑ "Things to do in Sarajevo" (sa wikang Ingles). Gezip Gördüm. Nakuha noong 11 Nobyembre 2013.
- ↑ Valerijan et al. 1997.
- ↑ Kelley, Steve. "Rising Sarajevo finds hope again" Naka-arkibo 2008-01-16 sa Wayback Machine., The Seattle Times. Nakuha noong 19 Agosto 2006. (sa Ingles)
- ↑ Lonely Planet (Marso 2006). The Cities Book: A Journey Through The Best Cities in the World, Lonely Planet Publications, ISBN 1-74104-731-5. (sa Ingles)
- ↑ "Lonely Planet's Top 10 Cities 2010 | Lonely Planet's Top 10 Cities 2010" (sa wikang Ingles). News.com.au. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2010. Nakuha noong 19 Enero 2010.
- ↑ "Nomination of Sarajevo for European Capital of Culture 2014" (sa wikang Ingles). BH-News.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Enero 2021. Nakuha noong 15 Setyembre 2011.
- ↑ "Sarajevo: With Sarajevo as Europe's Capital of Culture 2014 we could send an... – 12/05/2011 – EPP Group" (sa wikang Ingles). Group of the European People's Party (Christian Democrats) in the European Parliament. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Agosto 2018. Nakuha noong 15 Setyembre 2011.
- ↑ "UNESCO celebrates World Cities Day designating 66 new Creative Cities". UNESCO (sa wikang Ingles). 30 Oktubre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2019. Nakuha noong 31 Oktubre 2019.
- ↑ "UNESCO designates 66 new Creative Cities | Creative Cities Network". en.unesco.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2021. Nakuha noong 31 Oktubre 2019.
- ↑ Pender, Eleanor (2019-11-06). "Five new Cities of Film join the Creative Cities Network". UNESCO Cities of Film (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-01.
