SQL
Ang SQL (Structured Query Language) ay isang wikang pamprograma na ginagamit sa pamamahala ng data sa isang relasyonal na sistemang database. Ang pamamahala sa data ay kinabibilangan ng pagpasok ng data(insert), kweri(query) o pagtingin sa data, pagbabago ng data(update), pagbura ng data(delete), paglikha ng mga tabla at skema at pagbibigay karapatan sa mga manggagamit ng database at iba pa.
Mga ginagamit na instruksiyon
Paglikha ng tabla
Ang instruksiyon na ginagamit sa paglikha ng tabla ng isang database ay:
CREATE TABLE Estudyante(
ID INT,
Pangalan VARCHAR(50),
Tirahan VARCHAR(50),
PRIMARY KEY (ID)
);
Ang tablang Estudyante ay nilikha na may mga kolumn na ID, pangalan, at petsa kung saan ang pangunahing susi(primary key) ay ang ID.
Pagpasok
Upang lagyan ng data ang tablang nilikha, ang sumusunod na instruksiyon ay ginagamit:
INSERT INTO Estudyante
(ID, Pangalan, Tirahan)
VALUES
(102, Juan dela Cruz , 222 Maligaya St. Quezon City);
INSERT INTO Estudyante
(ID, Pangalan, Tirahan)
VALUES
(202, Jose Santos , 333 Masagana St. Tondo);
INSERT INTO Estudyante
(ID, Pangalan, Tirahan)
VALUES
(104, Michael Reyes , 444 Mahusay St. Paranaque);
INSERT INTO Estudyante
(ID, Pangalan, Tirahan)
VALUES
(152, Lisa Aquino , 555 Masinop St. Makati);
Pagkatapos mapasok ang apat na row ng data, ang resulta ng tabla ay:
ID : Integer | Pangalan : String | Tirahan : String |
---|---|---|
102 | Juan dela Cruz | 222 Maligaya St. Quezon City |
202 | Jose Santos | 333 Masagana St. Tondo |
104 | Michael Reyes | 444 Mahusay St. Paranaque |
152 | Lisa Aquino | 555 Masinop St. Makati |
Kweri(Query)
Ang instuksiyong SELECT
ay ginagamit sa pagtingin ng row sa isang tabla. Ang SELECT ay nagbabalik ng lahat ng row sa isang tabla. Upang salain ang mga row ayon sa isang kriteria, ang SELECT * ay ginagamitan ng mga argumento gaya ng sumusunod:
SELECT *
FROM Estudyante
WHERE Pangalan="Juan dela Cruz";
Ang row lamang ng estudyante na nasa tablang "Estudyante" ang ipapakita kung ito ay may pangalan na Juan dela Cruz.
Pagbabago
Upang baguhin ang field(column), ang instruksiyon ay sumusunod:
UPDATE Estudyante
SET Tirahan = "212 Bayani St. Bulacan"
WHERE Pangalan=Juan dela Cruz;
Ang resulta ay pagbabago ng tirahan ng estudyanteng si Juan dela Cruz sa "212 Bayani St. Bulacan". Ang resulta ng tabla pagkatapos ng pagbabago ay:
ID : Integer | Pangalan : String | Tirahan : String |
---|---|---|
102 | Juan dela Cruz | 212 Bayani St. Bulacan |
202 | Jose Santos | 333 Masagana St. Tondo |
104 | Michael Reyes | 444 Mahusay St. Paranaque |
152 | Lisa Aquino | 555 Masinop St. Makati |
Pagbura
DELETE FROM Estudyante
WHERE Pangalan="Juan dela Cruz";
Ang estudyanteng si Juan dela Cruz ay binura sa tabla. Ang resulta ng tabla ay:
ID : Integer | Pangalan : String | Tirahan : String |
---|---|---|
202 | Jose Santos | 333 Masagana St. Tondo Manila |
104 | Michael Reyes | 444 Mahusay St. Paranaque |
152 | Lisa Aquino | 555 Masinop St. Makati |