Pumunta sa nilalaman

Application programming interface

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Screenshot of web API documentation written by NASA

Ang application programming interface (API) sa computer programming ay binubuo ng mga computer subprogram, protocols, at iba pang mga kasangkapan sa pagbuo ng software applications. Pinapagana ng API ang isang software gamit ang mga metodo at prosesong nakapaloob sa source code nito. Binubuo nito ang iba't ibang mga proseso na may kakayahang magsarili kaya nakapagbibigay ng pag-iiba ng mga proseso at kaparaanan nang hindi nababago ang resulta. Nakapagpapadali sa pagbuo ng isang programa ang isang magandang API sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga subprograms na kailangan. Pagkaayos ay pinagsasama na ng programmer ang lahat ng mga blocks sa iisang source code.

Karagdagan sa pagpapatakbo ng database at computer hardware, katulad ng hard disk drives at video cards nito, napadadali nito ang pagbuo ng GUI isang elemento sa interf