Random variable
Itsura
Sa probabilidad at estadistika, ang isang random variable o stochastic variable ay isang variable na ang halaga ay sumasailalim sa mga bariasyon o pagkakaiba dahil sa tsansa. Taliwas sa ibang mga variable sa matematika, ito ay walang isang nakatakdang halaga ngunit maaaring kumuha ng isang hanay ng mga posibleng magkakaibang halaga na ang bawat isa ay may nauugnay na probabilidad.